Ang akala noon ni Vanessa ay walang patutunguhan ang buhay niya buhat noong sinabi niya kay Angelo na siya ang magbabayad ng kasalanan ng kanyang ama. Mula pagkabata ay itinanim na niya iyon sa kanyang murang isipan at pinaniwala niya ang sariling habambuhay na siyang mananatili sa kamay ng isang Aldover para pagbayaran ang kasalanang hindi niya ginawa. Buhat noong manatili siya sa Isla Montellano ay naging payapa ang buhay ng pamilya niya, ibang-iba sa kinalakihan niya sa piling ng kanyang tunay na ama. Sa murang edad ay marami na siyang karanasan at mga nasasaksihang hindi angkop sa kanyang inosenteng isipan habang nasa poder siya ng baliw niyang ama. Alam niya ang nagaganap sa paligid niya lalong-lalo na ang pagtitiis at paghihirap ng kanyang ina sa mga ginagawang kabaliwan nito. At h
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books