Katulad ng mga nakaraang araw, maagang gumising si Vanessa para magluto ng breakfast ni Angelo. Gumising ng maaga, maglinis ng bahay at pagsilbihan ito. 'Yon na ang naging daily routine niya buhat ng maging katulong siya ng sarili niyang asawa. Nakakatawa mang isipin pero 'yon ang estado ng kung anong mayroon sila ngayon ni Angelo. Asawa noon, naging kasambahay ngayon. Napapangiti na lang siya kapag pumapasok sa isipan niya ang bagay na iyon. Tulog pa si Michael Angelo sa crib na nasa loob ng kanyang inuukupang guest room. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa araw-araw na ginagawa ni Angelo para sa kanya at para sa kanilang anak kahit na wala pa itong kaalam-alam sa totoong katauhan nilang mag-ina. Halos lahat ng pangangailangan niya lalo na ni Michael Angelo ay ibinib