CHAPTER 38 Agad na napalingon si Beatrice nang bumukas ang pinto at doon ay bumungad ang kanyang asawa. Kasalukuyan siyang nasa pinakakusina ng kanyang pag-aaring bakeshop kung saan katulong niya ang dalawa nilang baker. They are baking cakes and cupcakes for Bea's Delight and for Katherine's restaurant too. Nahinto ang paglalagay niya ng disenyo sa ilang mga cupcakes gamit ang icing na nakalagay sa piping container. Agad siyang napalingon sa kinatatayuan ni Paul. Bigla na lamang nito binuksan ang pintuan at walang sabi-sabi na pumasok roon. Maging ang mga kasamahan niya ay nahinto rin saglit sa mga ginagawa ng mga ito at napatingin kay Paul. Kapwa pa na bumati ang mga ito ng magandang umaga sa kanyang asawa, which her husband responded with just a smile and a nod. He walked towards th