CHAPTER 36 "I. . . I am sorry. H-hindi ko sinasadya na makaistorbo sa inyo," saad ng babae na nasa entrada ng opisina ni Paul. Nahinto ang akma nitong pagpasok nang makita siya. Bakas pa sa tinig nito ang pagkapahiya dahil sa biglaang pagpasok sa opisina ng kanyang asawa. For a moment, Beatrice stared at the woman. She is beautiful. There is no doubt about that. Maikli ang buhok nito, but it was styled beautifully. Maaliwalas itong tingnan at bumagay iyon sa maamo nitong mukha. Yes, maamo. Ngayon na nagkaharap silang dalawa nang malapitan ay nagkaroon siya ng tyansang matitigan ito nang maigi. She has a soft feature. Maamo ang mukha nito na waring hindi mo maiisip na kaya nitong umirap o kaya ang magtaas man lang ng kilay. She was tall and with a slim body. At katulad niya ay may kaput