CHAPTER 34 Nang mahanap ni Paul ang numero ng silid na kanyang pakay ay agad na niya iyong linapitan. Nakuha niya ang numero ng kwarto na kinaroroonan nina Minerva mula sa information desk sa ibaba ng ospital. Nang matapat siya sa naturang silid ay nagbigay muna siya ng mahihinang katok sa pintuan niyon bago niya iyon binuksan. Bahagya pa siyang sumilip sa loob saka dahan-dahan na naglakad na papasok. Naabutan niya sa loob ng private room na iyon si Minerva. Kasalukuyan nitong inaayos sa may bedside table na naroon ang ilang mansanas na sa hinuha niya ay bagong bili lamang nito. Napalingon pa ito sa kanya nang maramdaman nito ang pagpasok niya sa loob ng silid. "Paul. . ." saad nito pagkakita sa kanya. Tipid siyang ngumiti dito. Inabot niya sa babae ang supot ng pagkain mula sa isang