Nagising ako sa paulit ulit na halik na dumadampi sa aking mukha. Isang mumunting halik galing sa pinakamamahal kong anak. Idinilat ko ang mata ko at iginala. "Yehey! Mooma's awake already. Thank you moon goddess." Ngumiti ako at sinubukan magsalita pero walang lumabas na tinig mula sa aking bibig. Sinubukan kong igalaw ang aking kamay pero parang mabigat iyon at tila matagal na hindi nabigyan ng buhay. Napuno ng katanungan ang akimg isipan. Sinubukan kong alalahanin ang nangyari. Napasinghap ako ng maalala ang pangyayari. Sumakit ang ulo ko nagkaroon ng pagpintig sa aking sintido. Ngayon pa lang naproseso ng utak ko ang lahat. Nasanay ako na nasa San Francisco kami. I'm in the Hospital obviously. Kung naririto ako... posibleng naririto rin sila daddy at mommy. At posibleng narito rin