NANG nakarating kami sa bahay bakasyunan nila rito sa may Zambales ay bumaba na kami at binigyan kami ni tita Anastasia ng tig-iisang susi. Kaya heto ako ngayon ay nasa loob na ng room namin ni daddy Ryde. “Ang ganda po ng bahay bakasyunan niyo rito, daddy Ryde.” sabi ko sa kanya habang inaayos ang pagkakasalansang ng mga damit namin ni daddy Ryde, mayro'n na kasi ritong cabinet gawa sa kawayan. “Yeah, baby. Matagal na itong bahay-bakasyunan na ito, since I was a child. Pinagawa na ito nila dad.” sagot sa akin ni daddy Ryde. Napatingin ako sa kanya at napatango-tango. “Every year po kayong pumupunta rito?” tanong ko sa kanya at napatayo. Pinagpagan ko ang aking short, tapos na akong ayusin ang mga damit namin. “Thrice a year, baby. Every april, halloween and Christmas, nandito kami.