NAKANGITI akong humarap sa camera nang picture-an ako ni Zoe. Kakababa ko pa lamang para kunin ang diploma ko at isama mo pa na ang bagal kong lumakad dahil kabuwanan ko na ngayon. “Congratulations, Isla! Next year ako naman ang ga-graduate, maging sina Chloe and Penelope sa probinsya natin.” Masayang sabi ni Zoe sa akin. Ngumiti ako sa kanya. “Thank you!” saad ko sa kanya. Hindi nakaluwas sina Penelope and Chloe dahil busy sila sa acads nilang dalawa. Sineryoso nilang dalawa na magtatapos din sa kursong mga kinuha namin. “Mommy, congratulations!” Nakangiting sabi ni daddy Ryde sa akin at binigyan niya ako ng bouquet of flowers. Tinanggap ko iyon at hinawakan niya ang aking baby bump, malaki na ang tiyan ko. “Thank you po, daddy Ryde.” saad ko sa kanya. “Picturan ko kayo, Isla and

