SINUNOD ko ang sinabi ni daddy Ryde sa akin, kaya binuksan ko na lamang nang kaunti ang bintana. “Stay away from Isla,” Narinig ko ang madiin na sabi ni daddy Ryde Ryde sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang itsura ni Liam dahil nahaharangan siya ngayon ng katawan ni daddy Ryde. Ganoʼn na lamang ang gulat ko nang sumigaw si daddy Ryde nang malakas. At, dama ko sa sigaw niya na galit siya ngayon. “f**k off, Liam. Huwag mo ko sasagarin, layuan mo si Isla.” Narinig ko ang sinabi ni daddy Ryde kay Liam. Kinabahan ako nang dahil doon kaya binuksan ko ang pinto at bumaba sa kotse. Lumapit ako kay daddy Ryde at hawak ko na ang kamay ni daddy Ryde. Mabuti na lamang ay wala pang gaanong tao rito sa parking lot. “Daddy Ryde, enough na po...” Kalmado kong sabi sa kanya. Kita ko sa mga mata niya