SUNOD-SUNOD na ang pagpaparamdam ni Liam sa akin habang nasa campus ako. Katulad na lamang kanina, mabuti na lamang nakita ako ni Marlon. Paano kung hindi niya ako nakita? Paano kung nahawakan ako ni Liam at kinaladkad palabas ng campus, eksaktong wala pang gaanong estudyante kaninang umaga. Natatakot na ako. Natatakot na ako sa kinikilos at ginagawa niya sa akin. Ano ba kasi ang dahilan? Naging mabait naman ako sa kanya nu'ng nasa beach resort kami. Sinabi ko rin sa kaya na close friend ang turing ko sa kanya. Kaya bakit ginagawa niya ito sa akin? Kaya kaninang lunch break ay hindi ako lumabas, nagpabili na lamang ako kina Nicole ng siomai, sinabi ko na lamang na kanila na medyo busog pa ako. Pero, sa totoo ay hindi ako komportable na maglakad-lakad ngayon sa buong campus dahil sa na

