NAKAYUKO pa rin ako rito sa kotse ni daddy Ryde. Hindi ko masabi sa kanya na pinagbantaan ako ni Liam. Natatakot kasi ako na makita siyang magalit muli katulad ng unang pagbanta niya. “Baby, what's wrong? Are you okay?” Narinig ko ang boses ni daddy Ryde kaya napataas ang tingin ko sa kanya. “D-daddy Ryde, nagkita po ulit kami ni Liam. Pero, ngayon po ay lalo po akong kinakabahan at natakot sa kanya. Hinawakan niya po ang pulsuhan ko at ilang beses na sinasabing sa kanya po ako, at makukuha niya rin po ako sayo. N-natatakot po ako, daddy Ryde...” Hindi ko na kayang kimkimin na itago kay daddy Ryde ang tungkol kanina. “Kanina?” tanong niya sa akin at tumango ako sa kanya. “Yes po, daddy Ryde, palabas po kami para pumunta sa karinderyang kinakainan po namin palagi. Mabuti na lamang po

