ERICE "EJ." Agad akong yumakap sa best friend ko nang marinig ang tinig niya. Tinapik-tapik niya ang likod ko. "Sige lang, EJ. Iiyak mo lang 'yan. Nandito lang ako." I cried even more and hugged him tightly. Sobrang nanghihina ako at gusto kong kumuha ng lakas sa kanya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal umiyak kay Rai. Namalayan ko na lang na nakaupo na kami at nakasandal na ang ulo ko sa balikat niya at humihikbi. Wala siyang anumang sinabi, pero nararamdaman ko ang galit niya. Tahimik siya at mariing nakakuyom ang mga kamao niya. Ganyan siya kapag galit. I took a deep breath before holding his hand. "Thank you, Rai. You can calm now. I'm okay." "You're not." "Don't worry too much. I’ll be okay." "You should." I tightened my grip on his hand. Kapag ganyang matipid siyang mags