ERICE "Hindi mo na 'ko kailangang ihatid, Rai. At kapag maghahatid, kailangang kasama pa ang mga gamit?" sabi ko pagkarating sa condo building na tinutuluyan ko. Sumabay siya sa 'kin pauwi at ngayon nga ay sumakay din sa elevator bitbit ang malaking maleta niya. Alas dos pa lang ng hapon ay pinauwi na kami ng music teacher namin. Para daw makapagpahinga kami at maikondisyon ang mga sarili sa gagawin naming musical play practice starting tomorrow afternoon. Sisimulan na kasi namin ang pag-aaral sa script and roles. "Hindi kita inihahatid." "Kung hindi pala, bakit mo pa rin ako sinusundan? Are you stalking me?" He glanced at me and grinned widely. "Ngayon ko lang na-realize, ikaw ang best example ng babaeng gandang-ganda sa sarili." "Damn you, Rai!" mura ko sa kanya kasabay nang pagha