MILEEZEN Akala namin, ang mga isiniwalat lang ni Dash Rona kahapon ang matutuklasan namin tungkol sa best friend ko. Nagulat na lang kami nang ibalita ng adviser namin na nag-dropout na sa CSA sina Jude at Raiven. Simula ngayong araw, hindi na raw papasok ang dalawa. What about our musical play? Babalik na rin ba sila sa Amerika? I looked at Miller's direction. What about him and Jude? We're just thankful dahil walang kumalat na balitang hindi sila totoong estudyante ng academy. Nanahimik si Dash dahil bantay-sarado ito ni Arcel. Kapansin-pansin ang matatalim na tingin nila sa isa't-isa, pero mukhang takot din naman ang babae dahil parang sinasabi ng mga mata ng lalaki na 'I'm watching you' kaya hindi ito magsasalita at iirap na lang. "Aware na naman kayo sa balitang nag-dropout na