ERICE Pagkakita ko pa lang sa dalawa kong kaibigan ay agad ko na silang hinila sa isang sulok at ngumisi. "Guess what?" Nagtaas ng isang kilay si Trisha at nagsalubong naman ang kilay ni Mileezen. 'What' question was written all over their faces. Hindi ko na lang pinansin iyon at tuwang-tuwang ibinalita sa kanila ang kagabi pang nagpapakilig sa 'kin. "Van Miller Buencamino accepted my friend request!" I shrieked in excitement. Ang ngiti ko ay unti-unting napalitan ng ngiwi nang bumalik lang sa normal ang mga hitsura nila at para bang balewala lang ang sinabi ko. "Okay. But, I doubt na siya mismo ang nag-accept ng request mo. Ni minsan ay hindi ko siya nakitang nag-post sa timeline niya. Suwerte mo kung mag-comment siya sa post mo na once in a blue moon din naman niyang gawin. Sa G5, s