ZACH Napailing at napangisi na lang ako habang pinagmamasdan ang ikinikilos ni Miller. Nandito kami ngayon sa studio para sa band practice. And together with del Franco twins, kanina pa kami nakatingin sa direksyon niya. He was writing something. Maybe composing another song. These past few days, he was composing a sad love song. Kilala na namin siya. Nakadepende sa mood at sa kung ano ang nararamdaman niya ang mga isinusulat niya. So we're hoping that this time, he was writing something good and great love song. At mukhang hindi naman kami mabibigo dahil sa pagngiti-ngiti niya habang pina-pluck ang bass niya bago magsusulat sa papel. "He's acting like a lovesick puppy," biglang komento ni Renjo. "He is," Drenz and I answered in unison Kahit wala siyang sabihin at hindi kami magtanong