PATULOY na umaagos ang luha ko sa pisngi habang pinagmamasdan ko ang dugo na naging mantsa sa puting kobre kama. May nangyari sa amin dalawa ni Orly kagabi at hindi lang isang beses, dalawang beses kaming nagtalik. Ang nakakainis ay nagustuhan ko ang ginawa niya sa akin. Walang dudang magaling si Orly na magpaamo ng mga babae. Ang tagal kong iningatan ang sarili ko dahil gusto kong ibigay ito sa taong mahal ko ngunit sa isang iglap ay nakuha ng ibang lalaki. Pinunasan ko ang mata ko nang narinig kong may kumakatok sa pinto. Hindi ko na kailangan tumayo para buksan dahil may susi ang mga katulong ng kuwarto ko. Pumasok si Orly na may dalang isang tray na pagkain. Wala siyang suot na pang-itaas kaya kitang-kita ang ganda ng katawan niya. Wala akong imik nang ilagay niya sa lamesa ang pag

