HALOS isang oras na akong nakahiga sa kama ngunit hindi ako dalawin ng antok. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nakita ko sa party. Habang ako gustong bumalik sa kanila, sila naman ay tuwang-tuwa na wala na ako. “Humanda sila sa akin! Babalikan ko silang lahat oras na malaman kung sino ang gustong pumatay sa akin.” Tumayo ako at hinawi ko ang kurtina sa bintana upang makita ko ang liwanag ng buwan. Nagsimulang tumulo ang luha ko. “Hindi ko akalain na mapupunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ko.” Binaling ko ang tingin sa kama. “Kung sino pa ang taong kinaiinisan ko siya pa ang tao na tutulong sa akin.” Pinunasan ko ang luha ko sa pisngi at pagkatapos ay lumabas ako ng kuwarto. Kumatok ako sa kuwarto ni Orly ngunit walang nagbubukas ng pinto. Naisip kong bumaba at uminom ng ala

