“Good morning!” Hinalikan ko si Orly ng mabilis sa labi nang magising siya. Salubong ang kilay niyang nakatingin sa akin. “Where are you going?” Nakabihis na ako at nakaayos ngayon. Ngumiti ako. “Magkikita kami ng manager ko.” “Tsk! Talagang desidido ka ng maging model.” “Ikaw na rin ang nagsabi na hindi ako matutulungan ng grupo n’yo.” Tumayo siya at kinuha ang puting tuwalya. “Hintayin mo ako at ihahatid kita.” “Huwag mo na akong ihatid dahil nandiyan naman ang bodyguard ko.” “Magpapahatid ka sa akin o hindi ka aalis?” Tinaas ko ang kamay ko bilang pagsuko. “Okay, panalo ka na.” “Good. Just give ten minutes.” Dumiretso siya sa banyo para maligo. Lumabas ako ng kuwarto para kumain ng almusal. “Kakain muna ako habang naghihintay sa kanya.” Pagkalipas ng sampung minuto ay lumaba

