NAKANGITI ako habang pinagmamasdan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Suot ang pinakamagandang wedding gown ko ngayon. “This is real me.” Hinawakan ko ang mukha ko. “Ang ganda ko talaga.” Inakbayan ako ni Mommy. “You’re so beautiful.” Ngumiti ako. “Thank you.” “Let’s go, hinihintay na tayo ng groom sa simbahan.” Tumango ako at muli kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin bago ko ako tuluyan lumabas. Habang nasa loob ako ng sasakyan. Hindi ko naman mapigilan ang maluha sa labis na tuwa. Hindi ko akalain na mangyayari sa akin ito. “Nandito na po tayo,” wika ng driver. Tumango ako. Pagkatapos at binuksan ng driver ang kotse at inalalayan niya akong makalabas ng kotse. Pagbaba ko ng kotse ay naging sunod-sunod ang pag-click ng camera sa akin. Lahat sila ay humahanga sa ganda ako.

