DRAKE’S POV “WHAT make brings you here?” tanong ni Ethan sa akin nang dumalaw ako sa hideout namin. Tanging si Ethan at Hercules lang ang nasa hideout namin. Huminga ako ng malalim. “I’m back!” Kumunot ang noo nilang dalawa. “What did you say?” “Nandito ako para malaman kung bakit tinulungan mong makalaya si Rebeca.” Nagkatinginan silang dalawa. “May nakakaalam na ba na bumalik ang alaala mo?” Umiling ako. “Kayo pa lang. Gusto kong malaman ang plano ni Dylan.” Huminga siya ng malalim. “Nabilog na niya ang ulo ni Sevie.” Nakaramdam ako ng lungkot. “Kaya pala biglang nagbago ang pakikitungo sa akin ni Sevie, alam na pala niya ang totoo.” “Hindi sila kumikilos dahil ang alam nila wala ka pa rin maalala.” “Buntis si Steffie sa pangalawa naming anak. Gusto kong pakasalan siya sa simba

