ETHAN’S POV: NAKITANG kong umalis ang sasakyan ni Drake at Steffie bago ako bumaba ng kotse. Paglabas ko ay sinalubong ako ng mga bantay sa malaking mansyon nila Drake. “Sir Ethan, bawal po kayong pumasok sa loob,” magalang na sabi ng isang tauhan nila. “Gusto kong makausap si Dylan.” “Nandito po siya sandali lang at tatawagin ko siya.” “Okay, hihintayin ko kayo.” Tumango ako pagkatapos ay bumalik ako sa kotse ko. May kasama akong limang bodyguard nang pumunta ako rito. Kailangan makasigurado na walang mangyaring masama sa akin. Hindi ibig sabihin na lugar ito ng kakampi ay walang demonyong makakalusot. Kailangan mag-ingat para kaligtasan ko. Ilang minuto pa akong naghintay ay lumabas ang isang tauhan. “Sir Ethan, puwede na po kayong pumasok sa loob.” Tumango ako bilang tugon sa

