“Ma'am, aalis na ba tayo?” tanong tauhan ni Orly na naging bodyguard ko ngayon para puntahan si Hans. Wala siyang kaalam-alam na pinasundan ko siya para malaman ko kung anong ginagawa niya ngayon. Tumingin ako sa labas kung saan tanaw ko ang sasakyan ni Hans. Ang akala niya ay umalis na ako. Hindi niya alam na nagpanggap lang akong umalis para sundan siya. Sa ibang sasakyan ako sumakay para hindi niya mahalata na sinusundan ko siya. "Hintayin natin siya lumabas." "Masusunod po, Ma'am." "Salamat." Nakaabang ako sa kanya na lumabas sa isang gusali. Pagkalipas ng isang oras ay lumabas na siya at sumakay sa kotse. Ngunit hindi pa ito umalis. “Sino kaya ang hinihintay niya?” Naghintay pa ako ng ilang minuto hanggang sa nakita kong may lumabas na babae. Hindi ko masyadong makilala dahil n

