“Hi, Mrs Aya Demarco!” Peke ang naging ngiti ko nang lumapit sa akin ang dating manager ko at si mommy. Nakatitig sila sa akin na tila hinahanap si Seraphine. “Hello!” “Gusto lang namin magpakilala sa iyo baka sakaling gusto mong sumabak sa showbiz. Alam mo, mayroon akong artista na pinasikat at kamukha mo siya,” wika ng dating manager ko. Uminom ako ng wine bago nagsalita. “Thank you, pero wala akong hilig sa showbiz.” “Baka gusto mo lang naman pumasok sa showbiz. Pasisikatin kita katulad ni Seraphine. Siguradong maraming papasok na pera sa iyo kapag naging artista ka.” Tumawa ako. “I don't need to become an actress to earn a small amount of money. My husband is a billionaire, and my family has a lot of money. I am here in the Philippines to establish businesses and not to undress i

