"Mommy?" A tiny familiar voice was trying to wake me up from my deep sleep. Isang ungot ang pinakawalan ko bago marahan na idinilat ang aking mga mata. "Gia." I smiled after seeing her in front of me, tightly holding her stuffed toy—Stitch. Bahagyang gumalaw ang kanyang ulo para pagmasdan ako. Mayamaya pa ay lumapit siya at pinadapo ang kaniyang munting kamay sa noo ko. "You're not sick, Mommy," she uttered. Hindi ko napigilan na magpakawala ng isang munting halakhak. "Of course, baby. Bakit naman magkakasakit si Mommy?" malambing kong tanong dito. Imbes na sumagot ay marahan na napanguso ang kulay rosas niyang labi. She was about to speak again when her twin, Gio, came in the room. May dala siyang baso ng tubig sa kanyang mga kamay, maingat na dinadala iyon patungo sa p'westo ko. Hin