"Ms. Dagsinal." I heaved out a deep breath. Hindi ko mabilang kung ilang beses na niya ako tinawag mula nang pumasok kami sa bagong gawa niyang opisina. Magtimpla ng kape, mag-stapler ng papeles, mag-xerox, at marami pang iba. Nag-Architect pa ako. Magiging alila rin pala ako sa huli, tsk! On the other hand, I felt relieved. Mas kampante ako sa maya't maya na pag-uutos niya kaysa sa milagrong pagbabago ng pakikitungo niya. Sa ganitong paraan kasi ay alam ko kung bakit niya ako pinahihirapan—'though it's really not that hard—dahil nga sa nagawa ko sa kanya. Pero 'yong biglang pagbait ng pakikitungo niya sa akin, iyon ang mahirap spelling-in. Yes, it's weird. But I am more comfortable with this. Kapag kasi mabait siya o hindi nagsusuplado pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hininga. Mabili