Pakiramdam ko ay nakipag-agawan ako ng kaluluwa kay Lucifer nang nagising ako. Masakit ang buong katawan ko lalo na ang ibaba kong parte, maski ang ulo ko ay para bang pinupukpok ng martilyo dahil pumipintig-pintig iyon. "The promiscuous woman is finally awake." Mabilis akong napamulat nang narinig ang pamilyar na malamig at seryosong boses. Nakita ko si Mr. Revelar na nakaupo sa isang one seater couch na nakap'westo sa gilid ng kama. Wearing his usual business attire, legs crossed, the mighty tycoon was sternly looking at me. Promiscuous. A slut. This isn't the first time that someone talked ill to me. Sanay na ako, pero sa mga oras na ito ay hindi ko naiwasan na makaramdam ng kaunting sakit at kahihiyan. Maybe because this time, isa talaga akong malandi. I lured him. I faked a smile