"Khrystal." Gulat na napatitig sa akin si Nexus habang nasa bungad ako ng pintuan ng bahay niya. I decided to come here the moment Agustine's fiancee left the house. Hindi ko alam pero nagkusa na lamang ang katawan ko na kumilos. Hindi ko na alam kung ano ang tama at dapat na gawin para matapos lahat ng problema ko. Para mawala ang sakit sa dibdib ko. I gave him a small smile. "Can I come in for a second?" I asked. Agad naman siyang tumango at saka tumabi sa gilid para padaanin ako. Sa nag-aalalang titig niya pa lamang ay alam kong nakaabot na rin sa kaniya ang isyu na nangyari sa akin. Wala akong balita tungkol doon. Iniwasan kong buhayin ang cellphone ko, maski ang tumingin sa telebisyon ay hindi ko ginawa kaya naman wala akong ideya kung hanggang saan ba ang alam ng mga tao tungkol s