"Mommy, are you okay?" my son, Gio, asked. Salubong ang kaniyang kilay habang nakatitig sa akin, tila ba hindi niya maintindihan ang itsura ko ngayon. Tumikhim ako at pilit na ngumiti habang kinukumutan siya. Narito na kasi kami ngayon sa k'warto; alas otso na at kailangan na nilang matulog. "Okay lang ako, anak. May iniisip lang," tugon ko at sinilip ang kaniyang kakambal na mahimbing na natutulog sa tabi. Naunang nakatulog si Gia, k'wento ni Mama ay napagod siya sa pakikipaglaro kay Daddy kanina. "Don't forget to rest, Mom," Gio reminded. Napangiti naman ako at tumango. Marahan akong yumuko at hinalikan siya sa noo, gano'n din naman ang ginawa ko sa kapatid niya. Akala ko ay tutulog na siya pero nanatili pa rin ang tingin niya sa akin. Para bang may gustong itanong pero hindi al