"Are you... comfortable here?" I bit my lower lip as I was standing outside the guest room. Pagkatapos naming kumain kanina ni Agustine ay niyaya ko agad siya na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay para ipakita ang guest room na tutuluyan niya. I know he's tired already. Sa bawat paggalaw pa lamang ng pilikmata niya ay ramdam ko ang kapaguran doon. Hindi naman ako natakot o nangamba na hindi maayos ang silid dahil alam kong ipinaayos na iyon ni Daddy sa mga kasambahay. Tipid akong tinanguan ni Agustine. "Are you going to sleep now?" paos na tanong niya. Hindi naman ako agad nakasagot dahil hindi ko rin alam kung makakatulog ba ako agad. His eyes remained with me. It was as if he's waiting for me to answer no to his question. Nang napansin niya siguro ang pagdadalawang-isip ko na suma