42 – Setting Things Straight Lorraine’s Point of View “Bye, mommy!” nakangiting sambit ni Eros saka ako hinalikan sa pisngi. “Bye, daddy!” pagbaling naman niya kay Thadeus at hinalikan din ito sa pingi saka kumaway sa aming dalawa. “Ingat po kayo.” Ngumiti lang ako sa kanya at humalik sa kanyang noo, “Thank you, baby,” tugon ko bago nauna nang lumabas ng bahay. Gusto kong mauna na sa baba dahil ayokong makasabay si Thadeus. Ngayong kami na lang dalawa ang magkasama, naaalala ko na naman ang kahihiyang ginawa ko kagabi. Pero nang malapit na sana ako sa elevator ay biglang humabol sa akin si Thadeus. Nakagat ko na lang ang labi ko bago huminga nang malalim. Nagsisimula na akong kainin ng hiya. I can’t look at him in his eyes, dahil naaalala ko ang ekspresyon niya kagabi; kung paano balut