68 – Mending & Breaking Narrator’s Point of View Nakatitig lang si Jen sa screen ng cellphone niya habang nakahiga sa kama, naghihintay na baka sakali ay mag-reply si Lorraine sa kanya. Magda-dalawang linggo na niya itong sinusubukang kausapin, pero ni tuldok ay wala siyang natanggap mula rito. Hindi rin nito sinasagot ang mga tawag niya. Pero hindi siya mawawalan ng pag-asa. Alam niyang darating ang araw na kakausapin siya ng kaibigan. Miss na miss na niya ito. Hindi na niya alam kung nasaan ito at ano na ang nangyari dito. Wala na siyang balita. Naglaho itong parang bula. Napabuga na lang siya ng hangin at napatitig sa kawalan. Magmula nang malaman ng kaibigan ang totoo ay nawalan na siya ng ganang buksan ang cake shop niya. Pinapaalala kasi nito sa kanya kung paano siya nasilaw sa