72 – Reasons Thadeus’ Point of View “Daddy, will it hurt?” Napatingin ako kay Eros nang magsalita siya. Kasalukuyan kaming nasa kwarto niya. Wala si Lorraine dahil may mga inaasikasong papeles. Bakas sa mga mata niya ang pag-aalala matapos ipaliwanag sa kanya ng doktor ang isasagawang operasyon. “No, baby. It won’t hurt,” paninigurado ko sa kanya. “You won’t feel a thing,” dagdag ko pa at nginitian siya nang matamis. “Really?” Tumango ako at muling ngumiti. “Yes. The doctors will do their best to make sure it won’t hurt,” sambit ko bago tiningnan ang oras. Thirty minutes remaining. Thirty minutes to go at sisimulan na ang operasyon sa akin. The doctor already explained to me that it won’t be a major surgery; na para lang daw itong blood transfusion, pero hindi ko pa rin mapigilang