45 – Glimpse Narrator’s Point of View Sumalubong ang madilim na bahay kay Thadeus nang makauwi siya galing sa party ng kaibigang si Alexander. Kaylawak ng ngiti sa labi niya dahil labis siyang nasiyahan sa pinuntahan. The party was a blast. At mas lalo pa siyang nag-enjoy dahil kasama niya ang mga kaibigan. Hindi pa sana siya pupunta dahil hindi naman siya mahilig sa mga ganoong ganap, pero pinilit siya ng kanyang ina. You need to have a life outside this house, son. Iyon ang salitang palaging sinasabi sa kanya ng ina sa tuwing pinag-uusapan nila ang buhay niya at kung kumusta ang takbo nito. His mother has always been so supportive of him. Ito ang tagapagtanggol niya sa tuwing pinapagalitan siya ng ama kapag hindi niya nagagawa ang mga ipinagagawa nito pati na kapag hindi niya nami-me