Dahan-dahan akong naglakad papunta sa couch upang maupo roon habang hinihintay na umalis si Nanay. Makaraan ang tatlong minuto ay lumapit ako sa pintuan upang masiguro na nakaalis na si Nanay. Ch-in-eck ko ang nga double locks. Mahirap na at baka biglang bumalik si Nanay at may dalang spare key. Nakatayo naman si Kyle malapit sa aking balcony. Nakapamulsa at alanganin ang mukha. Kinakabahan siguro o malamang sa malamang masakit ang puson. "Oh, umalis ka na," sabi ko sa kaniya. Wala, e. Wala na ako sa mood. Wala siyang sigla na naglakad pero pinigilan ko siya. "Ba't diyan ka dadaan?" awat ko sa kaniya. "Bawal akong dumaan sa pintuan?" "Oo, diyan ka sa bintana dumaan." "You're kidding, right?" Umiling ako at pinakita sa kaniya na seryoso ako. "Wala akong makapitan. I'm not