"Dito na lang. Huwag ka ng bumaba," sabi ko kay Kyle bago ako bumaba ng kaniyang sasakyan niya. Sa kanto na lang ako bumaba at baka ma-tsismis pa ako ng mga tiyahin ni Pinty. Marites pa man din ang mga iyon. Baka mamaya kung saan pa makarating ang tsismis nila. Baka may makakilala sa amin, tiyak na madagdagan na naman ang issue tungkol sa amin. Heto nga at kita ko sila sa ilalim ng puno ng kamansi. Sabay-sabay pa ang mga ito na tumingin sa akin nang may ilang metro na lang ang layo ko. "Magandang umaga po," bati ko. "Oh, Yonah, magandang umaga din. Saan ka galing?" "Yonah, tamang-tama may sasabihin kami sa'yo, dali!" tawag naman sa akin ng mga pinsan ni Pinty na nakapuwesto sa may terrace. Hindi ko na sinagot pa ang mga matanda. Alam ko naman na kaya ako tinawag ng pinsan ni Pinty u