Alas-tres nang hapon ng makatulog ang tatlong mga bata. Nagpaalam na din si Kyle na uuwi dahil may meeting daw sila ng four thirty. "Bye, baby. I love you." Gusto ko siyang pagmumurahin. Pagkatapos ng mga sinabi niya sa akin kanina sasabihin niya iyan ngayon? Urgh! "Goodbye! Huwag ka nang bumalik pa rito!" Ngumiti lang siya at kumaway sa akin. At kinaumagahan nga ay walang Kyle na nagpakita. Nagtataka na din tuloy sina Nanay at Ate. Kinatuwa ko naman ito, dahil ibig sabihin magkakaroon ako ng payapang mga araw. Sa pangatlong araw, wala pa ding Kyle na bumisita. "Nag-text ba sa'yo?" tanong ni Nanay kay Ate. "Wala pong text, 'Nay." Wala din siyang paramdam sa akin sa social media. Tumigil na din siya sa pag-send sa akin sa D-Cash na may kasamang good morning message o kaya ay go