Nauna ng umalis ang mommy ni Kyle. At bago naman ako umakyat sa aking kuwarto upang mag-empake ay pinangaralan pa muna ako ni Nanay. Napakadami niyang bilin tungkol sa buhay may asawa. Na kung gustong mag-work out ang isang relasyon—importante ang komunikasyon at tiwala. Kailangan ko ding pagsilbihan si Kyle dahil pagod din iyon sa trabaho. Nalaman kasi nila na sa bahay niya kami titira at walang maid doon. Hindi din ako pumayag na kumuha kami dahil mas gusto ko sana na may privacy kami, kumbaga solo namin ang buong bahay. Nagsabi si Nanay na bawasan ko na din daw ang paglabas-labas kung hindi naman importante. Kung hindi naman daw ako kinakailangan sa isang event huwag na ding magpunta. Kulang na lang sabihin na tumigil na ako sa lahat ng trabaho ko ngayon na magsasama na kami ni Kyle.