Hindi ako mapakali habang nakatingin sa aking celphone na hanggang ngayon ay nag-ri-ring pa din. Wala akong planong sagutin. Nakahinga lang ako nang maluwag nang kusa na itong mamatay dahil na-lobat na. At nang bumalik ako sa pagkakahiga sa kama, para akong timang na nangingiti at napapahalakhak. Gumulong-gulong pa ako sa kama na parang naghaharot na aso. Baliw ka, Yonah! Malandi ka talaga! Dinaan ko na lang sa pagtawa ang kagagahan na pinaggagawa ko. For the first time, pagkatapos pumutok ng kaliwa't kanan na issue gumaan ng kaunti ang aking nararamdaman. Magaan ang loob ko bago ako natulog. Maaga akong gumising kinaumagahan para mag-jogging. Alas-kuwatro pa lang ng madaling araw para walang makakita at makilala sa akin. After thirty minutes jog, bumalik ako sa bahay upang