Nakaalis na agad si Kyle. Hindi ko na siya nahabol pa. Ang akala niya ay pinalit ko siya kay Migs. Hindi naman iyon ang dahilan kung bakit ako umatras sa kasal. "Please, Migs, iwan mo na muna ako," pakiusap ko sa lalake. Bumuntong hininga ito at umalis. Napayukyok naman ako at mas lalo pang naiyak. Nasasaktan ako dahil hindi natuloy ang kasal namin ni Kyle, nasasaktan ako dahil hindi ako ang babae na makakasama niya habang buhay, at nasasaktan ako ngayon dahil nadagdagan ko pa ang sakit na nararamdaman niya dahil akala niya pinalit ko siya kay Migs. Nahiga ako nang manakit na naman ang aking tiyan. Maghapon akong nag-isip ng aking gagawin. Hindi ako makatulog at hindi rin makakain. All I did was cry. Isang buwan dapat akong mag-stay dito sa resort, pero hindi ko na tatapusin. Kaila