"May chance ka noon. You have the opportunity before but you didn't grabbed it," may panunuyang sabi ko sa kaniya habang ang isang kilay ko ay nakataas. Ngumiti lang siya at mukhang nag-alangan pang sumagot. "You're too young back then." Too young? Really? So, iyon ang dahilan niya? Pero bakit parang hindi ako naniniwala. "How about now? Not too young anymore?" Pagak akong tumawa. "Sorry... But you're too old now for me," dugtong ko. Tumawa si Sunny. "Grabe, huh?! At maka-too old ka naman kay Kuya Kyle. Mukha lang kaya siyang twenty five. Same sila nina Kuya Justin, looking young at hot." "So? May boyfriend ako." At kahit pa wala akong boyfriend hindi ko siya papatulan. Ngumuso ang aking kaibigan. Natahimik din naman si Kyle. Siguro naman alam niya ang salitang respeto.