"Jona!" "Jona!" Nagpatugtog ako ng malakas upang hindi ko marinig ang paulit-ulit na pagtawag sa akin ni Elliot. Kanina pa siya sa labas, sa tapat ng bintana dito sa aking kuwarto. Nakailang balik na nga din dito ang maid, si Nanay at si Ate upang sabihin na babain at harapin ko si Elliot. Para saan pa? Wala na kaming dapat na pag-usapan pa. Hindi din naman ako makapagpahinga ng payapa, nag-upload na lang ako ng new video at nag-post ng mga paninda. Alas-tres na ng hapon ako bumaba pero laking gulat ko nang makita na narito pa din si Elliot. Kaninang alas-sais ng umaga pa siya narito sa amin. Babalik sana ako sa kuwarto ko pero bakit ko gagawin iyon? Nagpatuloy ako sa pagbaba at lumiko sa kusina upang maghanap ng makakakain. Nagutom ako. "Baby, please." Kahit iritadong-iritado hi