Nakasalubong ko si Elliot sa corridor pero hindi niya talaga ako sinulyapan kahit saglit na saglit lang. Ang kaniyang mga mata ay nakatutok sa kaniyang hawak na celphone. Naiiling na lang ako nang mapansin ko na kamuntik pa siyang madapa. Nagpigil ako ng tawa. At nang tumunog ang aking phone, nakumpirma ko na ako ang china-chat niya. I just found out that he's really interested with Yonah. "I'm in the library. Where are you?" Feeling mo naman magpapakita talaga ako sa'yo, e, no? Hindi ako nag-reply. Ang iniiwasan ko ngayon ay ang mabuking niya ako. Mamaya na ako mag-reply, pag-uwi ko ng bahay. Three pm natapos ang aking klase. Three thirty din mag-start ang aming rehearsal. Bago ako pumunta ng studio ay nakipagkita muna ako kay Zachary. Binilhan niya ako ng frappe. Gusto niya at