Busog na daw ang mga bata kaya kami na lang ang kumain ng hapunan. Kasabay namin sina Kyle at mga kasambahay at staffs sa pagkain. Panaka-nakang nag-uusap at panakaw-nakaw ng sulyap sa isa't isa. Sina Ate at Kuya na panay ang tinginan sa isa't isa, tapos susulyap kay Kyle na kanina pa tingin nang tingin sa akin. Naiiling naman sina Nanay at Kuya Justin. Nang matapos kaming kumain ay nag-aya si Kuya Justin na mag-inom. Ayaw sana ni Ate pero nangako si Kuya Justin na kaunti lang ang iinumin. Halatang ayaw din ni Kyle na mag-inom. Nakahabol pa nga ito ng tingin sa akin na para bang sinasabi niya na mas gusto niya akong makasama kaysa si Kuya Justin. Hindi kami sumunod sa kanila sa labas. Si Ate ay babasahin ang monthly report ng ilang mga shops niya, kaya umakyat na ito sa taas. S