Pawisan ang katawan ni Kyle na tumabi sa akin. Alam kong pagod na siya at sa wakas makakapagpahinga na din ako. Napatunayan ko na malakas pa ang tuhod niya dahil inabot na kami ng madaling araw. Alas-tres na at ng madaling araw. Namamanhid na ang buong katawan ko at halos hindi na ako makagalaw. "S-Satisfied?" hinigingal at nanghihina kong tanong. Mabigat na ang talukap ko. Niyakap niya ako at hindi ko na narinig pa ang kaniyang sinabi. Tanghali na ng magising ako. I'm not feeling really well. Hirap akong bumangon at bumaba ng kama. Wala na si Kyle sa aking tabi, baka pumasok na siya sa trabaho. Maiyak-iyak ako na humakbang papuntang banyo. Masakit ang aking mga binti, ang aking hita, ang aking gitna ay para bang pumipintig. Ang aking balakang ay parang nabugbog, ganoon din ang aki