KABANATA 20: FIVE MONTHS LATER... "NERRISA, kumain ka na ba?" Napatingin si Nerrisa sa matandang nasa harapan niya. Hindi siya sumagot at nakayuko lang habang nakamasid sa paa niyang idinuduyan niya sa ere. "Inuulit ko, Nerrisa, kumain ka na ba?" muling tanong ng matanda. Nag-angat siya ng mukha at tumingin dito. "Kakatapos ko lang po kanina," nakangiti niyang usal. "Mabuti! Nasaan na pala ang asawa mong si Marco?" "Nangangahoy po, n-nanay..." sagot niya kapagkuway tumayo mula sa pagkakaupo sa kawayang upuan. Hinawakan niya ang kaniyang maumbok na tiyan. Oo, buntis siya kaya ingat na ingat siya sa kaniyang paglalakad. Ang matanda namang kaniyang kausap ay nanay ng asawa niyang si Marco. Hindi niya ito ka-close kaya nahihiya pa siya rito. "Kailan ba kayo bababa ng bundok para mag