Akala ko naman ay nagbibiro lang si Claui sa sinabi niya kanina kaya lang ay nang matapos akong maligo at gumayak ay kinulit niya akong muli dahil umakyat siya sa kwarto ko. Nag-breakfast kasi silang lahat doon kaya naman nang umuwi na si Jacob ay naligo naman ako kaagad para aalis na lang kami mamaya. "Seryoso ako sa sinasabi ko sa inyong dalawa ni Jacob ha. Isama niyo si Wilbert," pangungulit na sabi niya sa akin. Natawa naman ako habang nagb-blower ng buhok habang siya ay nakaupo sa sofa na nasa kwarto ko. "Are you really serious about that? Akala ko nagbibiro ka lang," tanong ko at hindi na naman naiwasang matawa. Masyado nga yatang tinamaan na si Claui kay Wilbert at masaya naman ako para roon kaya lang ang inaalala ko ay baka masyado siyang maaligaga at umasa kay Wilbert. Ilang b