Chapter 81

2122 Words

Maaga ngang dumating sila Ayana sa bahay at kita ko namang ayos na siya kumpara sa itsura niya noong mga nakaraang araw. Natutuwa naman akong makita siyang ganoon pero nangangamba pa rin ako sa nararamdaman niya. "Sigurado ka ayos kana ha?" muling tanong ko sa kaniya. Isa rin kasi siya na pumipilit na bumalik na ako sa trabaho at syempre bago ko naman iyon gawin ay gusto kong masigurong ayos na talaga siya. "Yes, Ate. Masyado na akong nakaabala sa inyo at ayos naman na ako," sagot niya pagkatapos ngumiti sa akin. Umiling naman ako sa kaniya at hinawakan ang kamay niya dahil hind naman siya abala sa amin lalo na sa akin. "Kahit kailan hindi ka naging abala sa amin, Ayana. Pamilya mo kami kaya kung may problema ka magsabi ka sa amin," sabi ko naman sa kaniya. Kita ko naman ang tipid ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD