"Where do you think they go? Sa kwarto? Aria is drunk and we didn't even know much about that man who's with her." Si Nikolai ang sunod na narinig ko.
Ako ang pinag-uusapan nila dahil narinig ko ang pangalan ko. At tama nga ba ang narinig ko? Kami ni Jacob sa kwarto? Gosh! Bakit naman sa kwarto kami pupunta ni Jacob? Ganoon na ba talaga kababa ang tingin niya sa akin ngayon?!
"Pero pinagkasundo na sila ni Daddy for the business," sagot ni Ate.
Napangisi na lang ako at gustong mapailing dahil hindi ko rin talaga inaasahan na pinag-uusapan nila akong dalawa. Hindi ko tuloy mapigilan mapaisip na sa dumaan na ilang taon ay kung ilang beses nila akong pinag-usapan.
Humugot ako ng malalim na hininga bago umayo kahit nahihirapan sa paghinga. I need to see Jacob! Saktong maglalakad ako ay nakita ko si Jacob na may dalang malamig na tubig. Nahagip ko naman ng tingin ang dalawang nag-uusap tungkol sa akin doon at natigil nang makita kaming dalawa ni Jacob.
Hindi ko inaasahan na sa pagtayo kong iyon ay mas lalo akong manghihina. Ang paningin ko kay Jacob ay unti-unting lumabo at para ba akong nabibingaw na hindi ko alam ang dahilan.
"Aria!" sigaw ni Jacob at bago pa ako natumba ay naramdaman ko kaagad na may sumalo sa akin.
Why this man is always catching me when he knows that I'm gonna fall? Sasaluhin din niya kaya ako kapag nahulog ang loob ko sa kaniya? Damn Aria! Lasing ka na nga at mamamatay ka na, gan'yan pa rin ang iniisip mo?
"Sana hindi ka na tumayo. Come here," nag-aalalang sabi niya at muli niya akong inupo sa sofa.
Habol-habol ko ang hininga ko at ngayon ay hindi kona maitago sa kanila. Nakapikit na ako at wala na akong pakielam kung pinapanood ba ako ng dalawa.
"H-hey! Drink this water. Don't sleep," sabi ni Jacob pagkatapos ay bahagya akong tinapik dahilan nang pagpilit kong buksan ang mga mata ko.
Kinuha ko ang tubig na binibigay sa akin ni Jacob at inalalayan naman niya akong uminom para hindi iyon matapon sa damit ko.
"W-wait! I have medicine there. Allergy 'yan," narinig ko ang boses ni Ate na natataranta.
Pinilit ko na namang humugot ng malalim na hininga dahil nahihirapan na ako. Sana lang din ay hindi sabihin ni Ate 'yon kila Mommy dahil sigurado akong mag-aalala sa akin ang mga 'yon. Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko dahil naiiyak na rin ako. Ilang taon na rin akong hindi nakaranas nito kaya sobra akong nahihirapan ngayon
"Sshh, calm down. Breathe okay? Open your eyes and look at me," Jacob said and then he held my hand.
Kahit hindi gusto ng mga mata kong dumilat ay pilit ko pa rin binuksan ang mga 'yon. Mukha ni Jacob ang agad kong nakita pero hindi ko naiwasang mahagip ng mga mata ko si Nikolai na naroon din sa gawing harapan ko. Pinanood niya kaming dalawa ni Jacob at kita ko rin ang pag-aalala sa mga mata niya kaya nag-iwas na lang ako ng tingin. Gusto ko na lang ulit siyang tawanan dahil sa kabila ng lahat ng nangyari ay nag-aalala pa rin pala siya sa akin.
"Here's her medecine. Aria take it," sabi ni Ate nang sa wakas ay nakabalik na siya na may dalang gamot.
Bakas sa mga mata ni Ate ang pag-aalala, gusto niyang magsalita pero mukang natatakot siya. Limang taon na rin ang nakakalipas pero hindi pa rin kami nag-uusap sa nangyari noon. Ganoon din kami ni Nikolai at wala pa akong balak na makipag-usap sa kanila ngayon.
Ininom ko ang gamot at nanatili lang silang nakatayo roon, hinihintay ang pagka-recover ko. Nang ilang minuto ang lumipas ay medyo nakahinga na ako nang maayos dahil din sa tulong ni Jacob.
Muli akong napatingin sa gaw nila. Nasa bulsa ni Nikolai ang dalawa niyang kamay habang nakatingin sa amin at ganoon din si Ate na tahimik lang. Nang makita ko ang pagbukas ng bibig niya ay agad na akong nag-iwas ng tingin.
"D-did you eat foods with some peanuts?" tanong ni Ate sa akin.
Hindi ko alam kung nakakain nga ba talaga ako kaya napalunok na lang ako at nagkibit ng balikat.
"I don't know, thanks for the meds.. Jacob let's go outside? I want fresh air," agad kong sabi bago tumayo at tumingin ng seryoso sa mga mata ni Jacob.
Ayoko na rin magtagal pa roon dahil mukhang wala silang balak na layasan ako roon. Isa pa ay kaya ko naman na dahil nakainom na ako ng gamot. Gusto ko lang din makalanghap ulit ng sariwang hangin.
"But you should take a rest now Aria. You're not yet feeling well," Nikolai said with his worried voice.
Napalingon ako sa nagsalitang Nikolai. Gusto kong matawa pero pinigilan ko na lang ang sarili ko. Why am I hurting every time he calls me my real name? Napailing ako kaagad dahil natatawa ako sa sarili kong iniisip. Bakit Aria? Gusto mo ba na tawagin ka niyang love sa harapan ng babe niya? Stupid!
Gusto kong barahin siya at iparamdam sa kaniya ang galit na limang taon kong kinimkim pero pinigilan ko ang sarili ko. Wala na rin naman akong mapapala pa kung makikipag-away ako sa kanilang dalawa ngayon.
"I'm okay," dahan-dahan kong sinabi 'yon bago ko tuluyang hinila si Jacob paalis doon.
Wala naman siyang nagawa at nagpatianod na lang sa akin hanggang sa napunta kami sa likod ng mansion. Umaabot dito ang sinag ng ilaw at ng buwan kaya hindi na masamang naroon kami.
"Bakit ka ba nag-aapurang umalis? Ayos ka na ba?" sunod-sunod niyang tanong.
Hindi ko siya kaagad sinagot at pumikit na lang dahil sa wakas ay nakalanghap na naman ako ng sariwang hangin na dahilan nang mas pag-ayos at paggaan ng pakiramdam ko.
"Mukang okay ka na nga. Ang lakas mo na eh," sabi ni Jacob at bahagyang natawa.
Nang maramdaman kong nakahawak pa ako sa kaniya agad akong bumitaw sa kaniya at agad din na dumilat.
"I smell something fishy huh?" natatawang sabi niya dahilan nang biglaan kong pagkakaba kaya agad akong napalingon sa kaniya.
"What do you mean?" taas kilay kong tanong sa kaniya.
Napangisi naman siya at nagkibit ng balikat bago muling bumaling sa akin.
"You were avoiding them," tipid na sagot niya.
"Huh? Sino naman?" patay malisya kong tanong kahit na ang totoo ay alam ko kung sino ang tinutukoy niya.
"Kanina sa party, you're looking at them with a bitter smile. And when they're around you are avoiding them. Aminin mo nga sa akin gusto mo ang asawa ng Ate mo noh?" mapaghinalang tanong niya.
"What?! Baliw ka ba? Bakit ko naman sila iiwasan? Hindi lang ako close sa kanila," sabi ko at umirap sa kawalan para maitago ang kabang nararamdaman.
Bahagya siyang natawa, "You didn't even answer my question. May gusto ka sa asawa ng Ate mo?" dagdag na tanong niya.
Doon ko na hindi napigilan ang sarili na huwag matawa dahil sa sinabi niya. Kung alam mo alam mo lang talaga Jacob ang dahilan kung bakit ko nilalayuan ang dalawang 'yon ay maiintidihan mo, pero hindi dahil ayokong sabihin iyon sa kaniya.
"Oh shut up. Wala sa check list ko ang mga tipo ni Nikolai," sagot ko sa kaniya bago umirap at muling dinama ang sariwang hangin na tumatama sa mukha ko.
Jacob's chuckled, "Really huh?" he said.
Napailing na lang ako at hindi na sumagot pa sa kaniya. Hindi niya na rin naman ako kinulit tungkol doon kaya medyo napanatag na ang loob ko. Tumingala ako at pinagmamasdan ko ang mga bituwin.
Napangiti naman ako nang may nakitang dalawang butuin na magkatabi at isa namang nakahiwalay sa kanila. Parang ako lang ang nag-iisang bituwin na nakatingin sa dalawang magkasamang bituwin na masasaya. Samantalang ako ay nag-iisa at mukang wala nang gustong sumama sa akin. Gusto ko na lang ulit tawanan ang sarili dahil kahit sa bituin ay naihahalintulad ko ang sarili kong sitwasyon ngayon.
Nagulat ako nang may wishing star na dumaan. Alam kong nakita rin 'yon ni Jacob lalo na nang magkatinginan kami. Napangisi naman ako at agad kong ipinikit ang mga mata ko.
"I wish I could meet the right person for me," sabi ko bago ko unti-unting idinilat ag mga mata ko.
Nakita ko ang seryosong mukha ni Jacob nang tumingin ako sa kaniya at kita ko rin ang pag-awang ng mga labi niya kaya agad akong napalunok at bahagyang siyang tinapik.
"Your turn!" mabilis na sabi ko sa kaniya.
"Ang wish ko ay sana matupad 'yang wish mo," sabi niya habang nakangiti at nagkibit ng balikat.
Laglag naman ang panga ko dahil hindi ko inaasahan na ganoon ang sasabihin niya. Nanatili siyang nakangiti at seryosong nakatingin sa akin. Sa hindi ko malaman na dahilan ay para ba akong nakaramdam ng kakaiba sa mga ngiti at titig niya sa akin.
Sa huli ay hindi ko rin napigilan na mapaisip na paano kong mahahanap ang lalaking para sa akin kung pinagkasundo na kaming dalawa sa isa't-isa? At paano kaya kung siya ang lalaki na para sa akin.
"Thank you," I unconsciously said.
Iyon lang ang tanging nasabi ko sa kaniya dahil hindi ko pa rin alam ang sasabihin ko. Tsaka ko lang din namalayan na yumakap pala ako sa kaniya nang yakapin niya ako pabalik. Aalisin ko sana iyon dahil nakaramdam ako ng hiya pero mas hinigpitan niya ang yakap sa akin kaya napapikit na lang ako at dinaman 'yon kasabay ng pagtama ng malamig na hangin sa balat ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising at gumayak. Hindi ko alam kung ano'ng oras natapos ang party ni Daddy kagabi dahil agad akong dinalaw ng antok nang matapos kaming magkwentuhan ni Jacob.
"Where are you going Aria?" tanong ni Mommy nang bumaba ako at nang makita akong nakabihis.
Nasa hapag silang lahat at agad na naman akong naligaw ng tingin kila Ate at Nikolai kasama ang anak nilang tahimik sa gilid. Nang ibalik ko ang tingin kay Mommy ay agad akong nagkibit ng balikat. Hindi ko pa nga pala naipapaalam sa kanila na aalis ako ngayon kasama si Jacob dahil nag-usap kaming dalawa na lumabas ngayon.
Claudia is busy with her Family and I don't want to stay here in our ansion while seeing my sister happy with her own Family. Hindi ko pa rin naman ma-contact si Noah at isa pa nagsasawa na ako sa mukha niya kaya ayos lang na hindi na muna kami magkita-kitang tatlo.
Gustuhin ko man laruin si baby Caleb, nahihiya pa rin akong hiramin siya sa mga magulang niya. Duh! Hindi naman kasi kami close ng parents niya kaya bibilhan ko na lang siguro siya ng pasalubong mamaya kapag umuwi na kami ni Jacob.
"Ah lalabas po kami ni Jacob," sabi ko at nagkibit ng balikat bago tuluyang lumapit sa kanila.
Bahagya rin naman akong nahiya dahil alam nilang lahat na kagabi lang kami nagkakilala ni Jacob at ito ako ngayon makikipag-date na kaagad.
Agad kong pinilig ang ulo ko dahil sa salitang date na biglang pumasok sa isip ko.. hindi date ang pinag-usapan niyong dalawa kagabi, Aria!
"Jacob? As in Jacob Rivero?" tanong ni Daddy at mukhang hindi makapaniwala.
Nagkibit ako ng balikat bilang sagot. Iyon naman ang gusto nila kaya alam kong walang magiging problema sa kanila 'yon.
"Yes, Dad. Na-meet ko na pala siya sa New York noon hindi ko lang naalala," sabi ko at muling nagkibit ng balikat bago ko tinanaw ang batang tumawag sa akin.
Ngumiti ako kay Caleb at muling ibinaling ang tingin kila Mommy at Daddy.
"Well that's good. Mas okay na magkakilala na kayong dalawa para hindi na kami mahirapan pa sa inyonh dalawa," dire-diretsyong sabing ni Daddy bago pinagpatuloy ang pagkain niya.
Hindi ako kaagad kumibo at umupo sa harapan nila. Medyo malayo sa akin sila Ate pero hindi ko pa rin maiwasang hindi mapatingin sa batang tawag nang tawag sa akin ng "Tata".
Sinimulan ko na rin ang pagkain ko. Ang sabi sa akin ni Jacob ay ililibot niya raw ako, hindi ko nga lang alam kung saan kami pupunta kaya hahayaan ko na lang siya at siya na ang bahala sa akin.
"Are you guys serious about this marriage?" tanong ko dahil nagbabakasakali na hindi talaga iyon matutuloy.
"Yes, Hijah. Hindi natuloy ang pagpapakasal ng Ate mo kay Wilbert kaya ikaw ang ipagkakasundo kay Jacob ngayon," paliwanag ni Mommy.
"Isa pa mukhang ayos naman kayong dalawa at magkakasundo. So, I know eventually you will love each other," si Daddy naman ngayon ang nagsalita.
Hindi na ako nagulat dahil matagal ko nang alam ang plano nila. Naging tradisyon kasi sa amin ang fixed-marriage at dahil hindi natuloy ang kay Ate, alam kong ako na.
Hindi rin naman nila gusto dati si Nikolai para sa akin pero hinayaan na lang nila dahil bunso ako. Pinagbigyan na nila ako noon kaya mukhang ako naman ang dapat na pagbigyan sila.
"Okay then," sagot ko at nagkibit na lang ako ng balikat.
Matagal pa naman iyon at susubukan na lang namin ni Jacob kung kaya ba namin ang isa't-isa ngayong magkaibigan pa lang kami. Isa pa wala akong problema sa kaniya.
"Ma'am Aria, nandyan na po yata si Sir Jacob sa labas," isang kasambahay ang lumapit sa akin.
"Papasukin niyo muna. I'll retouch and get my bag. Mom, Dad excuse me." Paalam ko at mabilis nang umakyat sa kwarto.
Medyo nagtagal pa ako dahil nagpalit ulit ako ng damit at nagre-touch ng make up.
Nang pababa ako ng hagdan ay nasalubong ko si Nikolai. Lumihis ako sa kaliwa pero sa kaliwa rin siya pumunta at nang sa kanan ay ganoon rin siya.
Humugot ako ng malalim na hininga bago huminto ako tinignan siya ng diretsyo, sinasadya niya ba talaga ito?!
"Mauna ka na," sabi ko sa kaniya para hindi na kami magsabay pang dalawa pero taas kilay ko siyang tinignan nang hindi siya umalis doon.
"So payag ka na lang na ipakasal sa hindi mo kilala?" sarkastikong tanong niya.
Nagulat naman ako sa tanong niya at bahagyang natawa.
"I know him and yes payag ako. Ano naman ngayon sa'yo?" pagtataray na tanong ko sa kaniya.