"KUNG NANDITO KA para guluhin ako, huwag ngayon, Katarina!" inis na anas ni Daisy saka pinagtaasan ng mga mata ang bruhang nasa harapan niya. "Talaga ba? Ang kati mo rin, no? Sinusundan mo ba kami ni Hugo? Makati ka, Daisy!" "Ano kamo? Sinusundan? Anong katangahan iyan, Katarina? Para sabihin ko sa iyo, hindi ko kayo sinusundan! At huwag mo akong tawaging makati dahil sa ating dalawa, ikaw iyon, 'di ba?" nang-aasar niyang turan kay Katarina. Nag-alab ang mga mata nito sa kaniya kaya walang ano-ano'y bigla siyang sinampal. At dahil sa gulat, nasampal niya rin ito. Ang lakas naman ng loob nitong sampalin siya. Hindi ba nito matanggap na ito ang makati sa kanilang dalawa? Totoo naman iyon, 'di ba? Bakit pa kailangan nitong ipagkaila? She slapped her, it means, she didn't accept what she sa